I never knew that I would enjoy listening to a SONA until PNoy delivered one. The reports about the progress of his administration is looking well. I guess it is true that he did give hope to the Filipinos.
Nakakatuwang marining ang progresong nangyayari sa Pilipinas. Maski sabihin nating hindi lahat e naireport niya o may katiwalian parin sa bansa, hindi mo maipagkakaila na maayos naman ang ginawa niya sa dalawang taong paninilbihan bilang pangulo.
Marami mang bumatikos sa kanya, hindi nila pwedeng sabihin na wala siyang ginawa. Kung may magsabi man na marami na dapat siyang nagawa o masyadong mabagal ang progreso, sasabihin ko lang sainyo… Eh, kung kayo ang magpatakbo ng Pilipinas, magagawa niyo din ba un? If ever namang kaya niyo, sige, tatahimik nalang ako dito at pupurihin ko ang mga nagawa niyo.
Bago kayo bumatikos, isipin niyo ang mga nagawa niyo para sa bansa. Isipin niyo din na hindi lang dapat ang presidente ang gumalaw dito. Kailangan niya ng galamay. Parang pakikisama nalang yan eh. Nakikita naman nating gumagalaw siya maski papano, edi tulungan nalang natin dahil aminin natin, walang magagawa ang pagrereklamo. Hindi tataas ang piso sa pagrereklamo. Hindi baba ang bilihin kung nagrereklamo ka lang. Gumagawa ang mga opisyal ng paraan para maging maayos ang buhay ng mga Pilipino, kung sa tingnin niyo naman maganda din ang mgadudulot, wag niyo nang hatulan at phirapan.
Pairalini natin ang pagiging optimistic natin kay PNoy. Di ko man siya binoto, nasa kanya ang suporta ko bilang isang mamamayan ng Pilipinas. sana kayo din.